Linggo, Hulyo 6, 2014
Cruchiya
( Crush Ko Siya ! )

-The First Meeting –

      Minsan akala natin sa mga Anime, Koreanovela at Fairytale lamang nangyayare ang isang science-defying crush experience. Peru sa karanasan ko at maaaring sa karanasan din ng iba, sweetest nor magical things can be physically present even in real life.

      Cruchiya! ( Crush Ko Siya ! ) Ayan na lamang ang weird name na naibigay ko para sa aking ultimate crush. Naalala ku pa nuong una kameng magkadaupang –palad na dalawa. Isa iyong napakakaibang experience sa buhay ko na nuon ko pa lamang naranasan. 2nd year highschool aku nuon sa isang di gaanung kilalang paaralan. Unang araw na klase kaya okay lang mahuli at lumiban sa klase. Isa iyung maaliwalas at mainit na katanghalian. Lumiban muna ako sa pang umagang araw sapagkat alam kung di naman kailangan. Nakarating ako sa tapat n gaming totemono ( building ) kung saan magkakalapit ang bawat silid-aralan, may unag palapag at ikalawang palapag. Ang aming room nuon ay pangalawa sa ikalawang palapag, kalapit ng hagdan. Cream section kame, peru sa lahat kame palage an pinakamaingay. Filipino subject nuon at natural wala pang klase at pagpapakilala palang ng guro. Pinaupo ako sa unang nahay bandang gitna, at nakalapit ko sa upuan ang isang bagung mukhang babae. Dahil mahiyain ako, nanatili lang akong walang kibo sa upuan nang bigla akung sitsitan ng isa kong kamag-aral na lalakeng si Nino.

 “ Psst…! Psss…t ! “ pasitsit nyang tawag sa akin, sabay turo sa isa pa naming kaklase na si Sherwin.

 “ Tingnan mo si Sherwin, nagchichicks uh, crush nya yung kalapit nya “, wika nito. Nakita ko na lamang si Sherwin sa aking bandang unahan kalapit ang isang babae na nasa aking unahan.

            Napangiti ako at nabuo sa aking isipan na asarin si Sherwin sa kalapit nya. Ngunit sa kalokohan ng tabatsoy na iyun ay kinalabit nya yung babae at sinabeng ako daw ang mya crush duon. Natawa na lamang ako dahil di naniwala yung kalapit nya. Sinu nga naman ang maniniwala ay rinig na rinig nya ang pang-aasar ko sa kanilang dalawa kanina. Maya – maya ay nakipagpalit ng upuan si Sherwin sa aking katabi. Dito ko sya lalong inasar, ngunit dahil likas na maloko ang tabatsoy na ito ay muli nyang tinawag ang babaeng iyun at sabihing may crush daw ako sa kanya. Lumingon na nakangiti ang babae at sa di inaasahang pangyayare ay bigla akong natigilan at siguro at natulala. Di ko inaasahan ang aking nakita, animo’y nasa isa akong Anime, na isang lalake ang nakakita ng isang napa cute na babae. Sa aking panigin ay nagniningning nuon ang buong imahe ng babae. Unti-unting nawala sa paningin ko ang lahat ng tao sa paligid ay tangin sya na lamang ang aking nakikita, na parang may mga kumukutikutitap na mga bituin sa kanya. Para sa akin walang kahit anong salita at bagay ang maihahalintulad ko sa sandaling iyun. It is too hard for me to put that into words, peru sa unang pagkikita at pagkakakilala naming iyun angsimula ang lahat. Kahit na ilang taon man ang lumipas di ku iyun nalilimutan ang aking First Meeting sa aking Crush, si Cruchiya!


To be continued . . . . 

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento

 
;